Sabado, Enero 21, 2017

Bakit hindi pa nakakakuha ng Gold Medal sa Olympics ang Pilipinas?

Wala pang nakuhang gintong midalya ang Pilipinas sa Olympics, bakit nga ba? Maraming pwedeng dahilan kung bakit nangyayari katulad ng : Hindi pag focus ng Pilipinas sa iisang Sport lamang. Halimbawa sa China, Table Tennis ang nilalaro at sa America naman ay basketball. Kung pag tutuunan lamang ng pansin ang iisang Sport, mas malaki ang pag-asa na tayo ay makakuha ng gintong midalya. Pangalawa, kakulangan ng pag suporta ng Gobyerno sa mga manlalaro. Hindi basta-basta makakasali ang atleta sa mga kompitisyon kung hindi magbibigay ng tulong pinansyal ang gobyerno. Kaya ilan sa magagaling na manlalarong Pilipino ay nasasayang ang talente. Pangatlo, kaunti lamang an pasilidad na kung saan pwede magsagawa ng training ang mga manlalaro. Training ang pinaka mahala sa isang atleta upong mahasa lalo ang talento kaya kung hindi naisagawa ng maayos, malabong manalo ang atleta. Ilan lamang yan sa mga kadahilanan kung bakit madalas kulelat ang mga Pilipino sa Olympics. Sana lalo pang pagtuonan ng pansin ang manlalarong Pilipino upang makapag-uwi ng karangalan sa bansa.

High School Life

High School life alaalang hindi mawawala
Dahil sa mga bagay na pinagagagawa
Kahit san makarating ito ay dala-dala
Mananatili sa utak na tila ito'y nagwawala.

Ang mga hirap na naranasan sa panaong iyong,
Ay isang biro na lamang ngayon.
Ang dati na mabigay na pinapasan,
Ngayon ay isang alala na nagbibiga kasiyahan.

Pagliban sa klase kasama ang kaklase,
Pag tulak sa katabi para mawala ang balanse,
Pangungutya sa kapwa,
Sa araw-araw ay nakikita.

Isang lugar puno ng tunay na kaibigan.
Dito rin makakaranas ng unang pag-iibigan.
Mga hindi pagkakaunawaan,
Ngut sa huli sila din ang nagsasandalan.

Ang High School life ay isang markang di mawawala
Isang marka na nabuo dahil sa tuwa.

Tips Para Hindi Malulong sa Masamang Bisyo

Bisyo - isang bagay na hindi kayang tigilan kung ito ay nasimulan na. Dito sa ating bansa marami na ang mga lulong sa masamang bisyo, dahil sa bisyo pumapanaw sial ng maaga o nababaril sila sa gabi. Ano ngaba ang paraan o pwedeng mapalit sa masamang bisyo?  Kung ikaw ay naninigarilyo, tumayo ka nalang sa gilid ng daanan at singhutin ang mga usok ng mga dumadaang sasakyan, nakalyo kana sa paninigarilyo, naka tulong kapa sa kalikasan. Sa alak naman, uminom na lamang  ng ethyl alcohol para mas matapan at malilinis pa nito ang loob ng iyong katawan dahil 99% germ killer ito. Sa paghithit ng dahon ng marijuana, mas mabuti kung palitan nalang ito ng dahon ng papaya, nakatipid at hilo hilo kana, kukutis pa ang iyong balat na parang gumamit ng papaya soap. Syempre ang pinakamahal at pinaka masama ay ang shabu. Hindi ko alam kung bakit ang  damin nalululong dito eh pagkamahal mahal ng presyo nito. Pwede naman siguro hit hitin nalang ang magic sarap, masarap na hilo hilo kapa. Pwede din suminghot nalang ng asin tutal parehas lang naman ng kulay at kung dipa kuntento suminghot nadin ng buhangin daigh pa nito ang "lumilipad" na pakiramdam dahil parang nasa beach kana!. Napakaraming pwedeng awin na mas mabuti at mas madaming maidudulot na mabuti sa sarili. Kesa sa pagbibisyo na kahit kailan ay di magdudulot ng maganda