Sabado, Enero 21, 2017

Bakit hindi pa nakakakuha ng Gold Medal sa Olympics ang Pilipinas?

Wala pang nakuhang gintong midalya ang Pilipinas sa Olympics, bakit nga ba? Maraming pwedeng dahilan kung bakit nangyayari katulad ng : Hindi pag focus ng Pilipinas sa iisang Sport lamang. Halimbawa sa China, Table Tennis ang nilalaro at sa America naman ay basketball. Kung pag tutuunan lamang ng pansin ang iisang Sport, mas malaki ang pag-asa na tayo ay makakuha ng gintong midalya. Pangalawa, kakulangan ng pag suporta ng Gobyerno sa mga manlalaro. Hindi basta-basta makakasali ang atleta sa mga kompitisyon kung hindi magbibigay ng tulong pinansyal ang gobyerno. Kaya ilan sa magagaling na manlalarong Pilipino ay nasasayang ang talente. Pangatlo, kaunti lamang an pasilidad na kung saan pwede magsagawa ng training ang mga manlalaro. Training ang pinaka mahala sa isang atleta upong mahasa lalo ang talento kaya kung hindi naisagawa ng maayos, malabong manalo ang atleta. Ilan lamang yan sa mga kadahilanan kung bakit madalas kulelat ang mga Pilipino sa Olympics. Sana lalo pang pagtuonan ng pansin ang manlalarong Pilipino upang makapag-uwi ng karangalan sa bansa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento