Huwebes, Marso 23, 2017

Epekto ng Labis na paglalaro ng DOTA ng mga Kabataan

Layunin:

             Upang malaman at malinawan kung ano nga ba ang ibat ibang epekto ng labis na paglalaro ng Defense of the Ancients o DoTa.

Sakop:
         
            Sakop ng pananaliksik ang mga kabataan na naglalaro ng Defense of the Ancient sa Barangay ng Arnedo.

Maikling Background ng Topic:
           
            Defense of the Ancient o mas kilala sa tawag na DoTa ay isang RPG Game. Isa ito sa mga pinaka popular na laro sa buong mundo. Marami ang mga kabataang nalululong sa larong ito. Ginawa ang larong ito sa bansa ng China noong taong 2003. Ang layunin ng laro ay protektahan ng bawat kupunan ang kanilang Ancient. Bawat kupunan ay binubuo ng lima katao. Ang mga karakter sa laro ay ibinase sa ibat ibat metolohiya.

Depenisyon ng mga Termenolohiya:

            DoTa - Defense of the Ancient
            Aeon of Strife - Mapa
            RPG -  Role playing Games
            Mytholohiya - Kwento ng alaman sa lumang bayan

Katawan:
  
            Maraming epekto ang Dota sa mga kabataan, isa dito ay ang sa kanilang pag- aaral. Sa pagpasok ng ika -20 siglo, nagsimula ang mga Elektrikong kagamitanj. Lumipas ang ilang dekada, ito ay lumago, nakilala at naging bahagi na nang ating pang araw-araw na pamumuhay. Ngunit sa pagpasok ng henerasyong teknolohiya, maraming nadiskubreng mga larong kinaaadikan. Isa na rito ang larong defendser of the ancient o mas kilala sa tawag na dota.

            Kung grabe ang pagkahumaling ng mga kabataan sa paglalaro ng dota, nagkakaroon ito ng hindi magandang epekto sa kanilang kalusugan pati na rin sa kanilang pag-iisip at pag-uugali. Nakakasira ito sa pag aaral dahil ang konsentrasyon na lang ay sa paglalaro at nawalan ng oras para mag-aral ng leksyon, hindi makagawa ng takdang aralin, nahuhuli sa pagpasos resulta ng mababang marka. At kung sariling computer at nagrerenta lamang, madalas nauubos ang kanilang pera.

           Isa pang epekto ng labis na paglalaro ng Dota ay ang pakikipag-away sa mga makakatungali. Dahil sa "trashtalk" ng magkabilang kupunan, madalas itong pinagmumulan ng away kung kaya't delikado din ang paglalaro ng DoTa.

Rekomendasayon:

A.) Kailangan laging alam ng magulang ang ginagawa ng kanyang anak upang masigurong malayo ang bata sa mga adiksyon katulad ng paglalaro ng DoTa.

B.) Kailangan makinig sa payo ng mga nakatatanda upang maunawan kung ano nga ba ang epejkto ng paglalaro ng Dota sa araw araw na pamumuhay.

Konklusyon:

            Matapos ang pananaliksik, napagtanto ko na napakaraming masamang epekto ng paglalaro ng Dota sa pag-aaral at iba pang bagay sa aking buhay. Lagi nating tatandaan na ang Dota ay isang laro lamang marami pang bagay na mas maganda pagbaliungan ng oras. Isipin mabuti ang ginagawa sa buhay upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Sanggunian:
https://prezi.com/f530x-ovxgst/epekto-ng-dota/

http://www.academia.edu/3793772/EPEKTO_NG_PAGLALARO_NG_COMPUTER_GAMES_BODY_

Mga katanungan sa Survey:

1. Ilang taon ka na naglalaro ng DOTA?
a. 1
b. 2
c.3
d. Higit pa

2. Saan ka naglalaro ng DOTA?
a. Sa bahay
b. Sa internet cafe

3. Malaki ba ang Ginagastos mo sa paglalaro?
a. oo
b. hindi
c. sakto lang

4. Masama ba ang naidudulot nito sa iyong pag-aaral o pagtatrabaho?
a. oo
b. hindi

5. Nakakaapekto ba ito sa iyong Social Life?
a.oo
b.hindi

6. Masa ba ang nagiging epekto nito sa iyong magulang o kapamilya?
a. oo
b. hindi

7. Binibgyan mo ba ng limitasyon ang paglalaro?
a.oo
b. hindi

8. Napapahamak ka ba dahil sa paglalaro ng dota?
a.oo
b. hindi

9. Meron ka pa bang mas gustong gawin kesa sa paglalaro ng Dota?
a. oo
b. hindi

10. Masasabi mo bang adiksyon na ang paglalaro mo ng Dota?
a. oo
b. hindi

       Ayon sa survey na aking nakalap mula sa mga 10 kabataang naglalaro ng Dota ay nasa tatlong oras ang kanilang ginugugol sa paglalaro ng Dota sampung katao ang sabe nito. Sampu din ang nagsabe na sila ay naglalaro sa Internet Cafe. Anim ang nagsabe na malalaki ang kanilang ginagastos sa paglalaro. Pito naman ang nagsabi na nakakaapekto ang paglalaro sa kanila social life. Siyam naman ang nagsabe na nagiging dahilan dito ng pag-aaway sa kanilang magkakapamilya. Sampu naman ang nagsabe na binibigyan nila ng limitasyon ang paglalaro. Sampu din ang nagsabe na hindi sila mapapahamak sa paglalaro ng Dota. Siyam naman ang nagsabe na mayroon pa silang ibang bagay na gustong gawin kesa sa paglalaro ng Dota. Sampu naman ang nagsabe na hindi adiksyon ang kanilang paglalaro.


3 komento: